Usap-usapan ang viral Facebook post ng netizen na si "Tom Berenguer" matapos niyang ibahagi ang isang signage na nakapukaw sa kaniyang atensyon habang nasa Makati.
Napansin daw niyang ang pangalang ng "Gil Puyat Avenue" ay ginawa nang "Gil Tulog."
"Seriously???? Can anyone confirm this???" saad niya sa caption ng kaniyang post.
(1) Tom Berenguer - Seriously???? Can anyone confirm this??? | Facebook
Isang commenter naman ang nagsabing "I think it is digitally altered. The borders are not consistent. You'll see it when you zoom in really close."
Ngunit giit ni Berenguer, personal niya mismong nakita ang signage at siya rin ang kumuha ng larawan habang nasa loob ng kotse.
"I took that picture just now. Passed by there on the way to the vet. That’s what the sign says. I mean, was there a law or regulation or ordinance that changed the name of the street? Can anyone confirm if a law or regulation was passed?"
Sa eksklusibong panayam ng Balita sa uploader, sinabi niyang natawa sila ng mga kasama niya nang makita ang nabanggit na signage. Matagal na panahon na kasing "Gil Puyat" ang pangalan ng nabanggit na kalye na mula sa pangalan ng tunay na tao.
"I will be passing by there again later on my way home," saad pa ni Berenguer para i-check ulit ang kaniyang nakita.
"Marami akong kasama sa car who also saw the sign and nagtawanan nga kami," giit pa niya.
Kinumpirma rin ni Berenguer na ang tinutukoy na kalye ay nasa Makati.
"Yes Paseo de Roxas corner Gil Tulog este…. Puyat. After that intersection is Bel Air Village if you’re going straight. If you will turn right to Gil Puyat coming from Pase De Roxas you will go to Kalayaan flyover 'yong pakanan, going to BGC and EDSA," aniya.
Samantala, usap-usapan na rin sa iba pang social media platforms gaya ng TikTok at Reddit ang nabanggit na pagpapalit ng pangalan ng kalye.
Wala pang tugon, reaksiyon, kumpirmasyon, o opisyal na pahayag ang lokal na pamahalaan ng Makati tungkol dito.