Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Carina nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 25, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA, nakalabas ng PAR ang Typhoon Carina dakong 6:20 ng umaga.
Inihayag din ng weather bureau dakong 5:00 ng umaga na tatawid ang bagyo sa Taiwan Strait, at magla-landfall sa southeastern China ngayong Huwebes ng tanghali o gabi.
Samantala, ang Southwest Monsoon o Habagat naman daw ang patuloy na makaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.
“Moderate to heavy rains is still possible along the western section of Luzon,” anang PAGASA.