November 27, 2024

Home BALITA National

Bagyong Carina, kumitil ng 6 katao -- NDRRMC

Bagyong Carina, kumitil ng 6 katao -- NDRRMC
(Photo: MANILA BULLETIN)

Hindi bababa sa anim na katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Carina, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes, Hulyo 25.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, 14 ang naitalang nasawi kaugnay ng pinagsamang epekto ng Carina, southwest monsoon o habagat, at ang nakaraang tropical depression na “Butchoy.”

Anim daw sa mga ito ay bagong naitala habang walo ang naiulat noong nakaraang linggo bago nabuo at pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Typhoon Carina.

Sa anim na bagong nasawi, isa ang kinumpirma ng NDRRMC: isang 40-anyos na lalaki na nalunod sa Quezon City.

National

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara

Samantala, limang nasawi pa ang sumasailalim sa validation sa Calabarzon (Region 4A), na sumasaklaw sa Batangas kung saan tumama ang landslide sa isang komunidad sa bayan ng Agoncillo at iniulat na ikinamatay ng isang buntis at tatlong menor de edad.

Nakalabas ng PAR ang bagyong Carina dakong 6:20 ng umaga nitong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

MAKI-BALITA: Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA

- Martin Sadongdong