Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang ginagawang aksyon ng pamahalaan kaugnay sa hagupit ng bagyong Carina.
Sa X post ng pangulo nitong Miyerkules, Hulyo 24, sinabi niya na noong nakaraang linggo pa umano ay nagbibigay na sila ng tulong pinansiyal sa mga mamamayang apektado ng hanging habagat sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
“Over the last week, we provided Php 43.15M in assistance to over 770,000 individuals affected by the Southwest Monsoon in Visayas and Mindanao,” saad ni Marcos, Jr.
“Today, we have Php 2.88B worth of prepositioned aid and close to 4,500 personnel on standby for search, rescue, and retrieval operations,” aniya.
Dagdag pa niya: “I have instructed all concerned agencies to provide swift assistance to all those affected by Typhoon #CarinaPH and the enhanced Southwest Monsoon.”
Magsasagawa rin umano ang pangulo ng situation briefing ngayong umaga upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon at masiguro na maibigay agad ang mga kinakailangang tulong.