Pormal nang inilabas ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang isang obligatory prayer upang humiling ng kapayapaan para sa Ukraine, Israel, Palestine at sa buong mundo.
Matatandaang ang naturang “Oratio Imperata for Peace” ay inaprubahan ng mga obispo sa idinaos nilang 128th plenary assembly kamakailan.
Opisyal naman nilang isinapubliko ang naturang special prayer nitong Lunes, Hulyo 22, 2024.
Sa naturang panalangin, na may titulong ‘Oratio Imperata for Peace,’ dumulog ang simbahan sa Panginoon sa panahong ito ng lumalalang ‘geopolitical tensions’ sa mundo.
Bahagi ng panalangin, “Through the years you have sustained our faith in you as a nation. It is our faith in Your Divine providence that has made us survive the countless natural and human-caused calamities that have come our way in our history as a people.”
Dalangin pa nito, “Spare us, Lord, from the horrors of war. Hear our pleas as we cry out to You. Have mercy on us, Lord; rescue us from the malevolent forces that influence world leaders. For we believe, that “…our struggle is not against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the powers of this dark world and against the spiritual forces of evil in the heavenly realms” (Eph 6:12).”
Ipinanalangin rin nila ang mga pinuno sa buong mundo na siyang naatasang gumawa ng mahahalagang desisyon para sa nasyon.
Anila pa, “We place all our hopes in You, seeking Your forgiveness and mercy for the times when our fears and suspicions have tainted our perceptions with ethnic biases and prejudices verging on racism.”
Nananalangin sila na ang bawat mamamayan ay maging instrumento ng kapayapaan ng Panginoon at makapaghatid ng pagmamahal, pardon, pananampalataya, pag-asa, liwanag, gayundin ng kaligayahan.
“We earnestly pray Lord, that you “make us instruments of your peace. Where there is hatred let us bring love. Where there is injury, pardon. Where there is doubt, faith. Where there’s despair, hope. Where there is darkness, light. Where there is sadness, joy,” anito pa.
Anang CBCP, sisimulang dasalin ang oratio imperata sa mga simbahan mula Hulyo 25, 2024 hanggang sa Enero 1, 2025.