January 22, 2025

Home BALITA Metro

Metro Manila, idineklara na sa ilalim ng state of calamity

Metro Manila, idineklara na sa ilalim ng state of calamity
Photo Courtesy: via MB

Idineklara na ng Metro Manila Council (MMC) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang buong Metro Manila sa ilalim ng state of calamity dahil sa patuloy na pag-ulan sa iba't ibang lugar sa National Capital Region (NCR).

Napagkasunduan ang nasabing deklarasyon matapos ang pagpupulong ng MMC sa pangunguna ni DILG Secretary Benhur Abalos.

Nauna nang irekomenda ni Abalos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isailalim ang Metro Manila sa state of calamity sa isinagawang press situation briefing hinggil sa epekto ng bagyong Carina at ng habagat.

"Because of what is happening, Mr. President, lalo na sa Metro Manila, ang rekomendasyon po namin po rito baka puwedeng mai-declare po natin ang state of calamity ang Metro Manila. Iyon po ang napag-usapan namin kanina,” saad ni Abalos.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Sa pamamagitan ng pagdedeklara ng state of calamity, mabibigyan ng agarang access ang mga lokal na pamahalaan sa emergency funds at makakapagpatupad din ng mga relief operation para sa mga nasalantang lugar at naapektuhang residente.