Inaasahan umanong tataas pa ang water level sa La Mesa dam dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o hanging habagat ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa inilabas na abiso ng PAGASA nitong Miyerkules, Hulyo 24, sinabi nila na umabot na umano sa 79.41 meters ang water level sa nasabing dam pagpatak ng 11:50 am.
“The water level of LA MESA Dam as of 11:50 AM is 79.41 meters and is expected to rise due to continuous occasional rains caused by the Southwest Monsoon. Excess flood waters in LA MESA Dam will overflow in the event that the dam elevation reaches 80.15 m,” saad ng PAGASA.
Dagdag pa nila: “Water from LA MESA Dam is expected to affect the low-lying areas along the Tullahan River from Quezon City (Fairview, Forest Hills Subd., Quirino Highway, Sta. Quiteria, and San Bartolome), Valenzuela (Brgy. Ligon, North Expressway, La Huerta Subd.) and Malabon.”
Kaya naman pinapayuhan ang lahat ng mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Samantala, ipagpapatuloy naman umano ng PAGASA ang pagbabantay at pagbibigay ng abiso tungkol sa hydrological condition ng La Mesa Dam sa mga ahensya at lokal na pamahalaan.