January 23, 2025

Home BALITA Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25
Photo courtesy: Noel Pabalate (MB)

Suspendido pa rin ang mga klase sa lahat ng antas, pampribado man o pampubliko gayundin ang government offices sa National Capital Region (NCR), Rehiyon III, at Rehiyon IV-A kaugnay pa rin sa pananalasa ng super bagyong Carina na sinabayan pa ng southwest monsoon o habagat, sa Huwebes, Hulyo 25.

Ang anunsyo ay nagmula sa Presidential Communications Office (PCO), sa Office of the Executive Secretary.

WALANG PASOK ... - Presidential Communications Office | Facebook

Subalit, ang mga ahensyang may kinalaman sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagresponde sa mga sakuna at kalamidad, at iba pang vital services ay mananatili naman sa kanilang operasyon.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Nasa discretion naman ng mga pribadong kompanya at tanggapan kung magsususpinde rin sila ng pasok.

Matatandaang nakataas sa state of calamity ang buong NCR dahil dito.

MAKI-BALITA: Metro Manila, idineklara na sa ilalim ng state of calamity

Sa pamamagitan ng pagdedeklara ng state of calamity, mabibigyan ng agarang access ang mga lokal na pamahalaan sa emergency funds at makakapagpatupad din ng mga relief operation para sa mga nasalantang lugar at naapektuhang residente. Naka-price freeze din ang mga pangunahing bilihin sa merkado.