November 22, 2024

Home BALITA

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina
Photo Courtesy: via MB

Iniutos umano ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Disaster Response Management Group (DRMG) at DSWD Field Offices ang agarang pamamahagi ng family food packs (FFPs) at iba pang relief items sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Nakabatay umano ang atas na ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbigay agad ng tulong sa mga apektadong pamilya.

“‘Yong distribution ng stockpile ninyo, i-adjust na ninyo. Nakikita na naman natin yung trend kung saan dumadaan, where are the areas that are being hit hardest,” pahayag ng Pangulo.

Dagdag pa niya: “As much as possible, doon na tayo mag start prepositioning as a response to the need para hindi tayo mahirapan.” 

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Matatandaang idineklara na ng Metro Manila Council (MMC) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang buong Metro Manila sa ilalim ng state of calamity dahil sa patuloy na pag-ulan sa iba't ibang lugar sa National Capital Region (NCR).

Napagkasunduan ang nasabing deklarasyon matapos ang pagpupulong ng MMC sa pangunguna ni DILG Secretary Benhur Abalos.

MAKI-BALITA: Metro Manila, idineklara na sa ilalim ng state of calamity