Idineklara na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong #CarinaPH bilang super typhoon nitong Miyerkules, alas-5:00 ng hapon, Hulyo 24.
Taglay na umano ni Carina ang lakas ng hanging 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 230 kph.
Pero kahit malapit nang mag-landfall ang super typhoon sa Taiwan, patuloy umano nitong itinutulak ang southwest monsoon o "habagat" patungo sa Pilipinas, na nagdulot ng matinding pag-ulan at pagbugsong kondisyon sa Metro Manila at mga karating lalawigan.
Inaasahang patuloy itong kikilos patunong hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometer per hour.
Samantala, isinailalim na rin ngayong araw sa state of calamity ang buong Metro Manila dahil sa walang hintong pag-ulan dulot ni Carina.
MAKI-BALITA: Metro Manila, idineklara na sa ilalim ng state of calamity