December 23, 2024

Home BALITA National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na naglabas ng order ang hepe ng Philippine National Police (PNP) kung saan ni-relieve ang lahat ng 75 tauhan ng PNP Police and Security Group na dating nakaatas para sa kaniyang proteksyon. 

“I confirm that on 22 July 2024, an Order was issued by the Chief of the Philippine National Police (PNP) relieving all of the 75 PNP Police and Security Group personnel that were previously assigned for my protection,” ani Duterte sa isang pahayag nitong Martes, Hulyo 23.

Sinabi naman ng bise presidente na hindi ito maapektunan ng kaniyang trabaho sa Office of the Vice President (OVP).

“Tuloy-tuloy pa rin ang ating trabaho upang makapaghatid tayo ng serbisyo sa ating mga kababayan — lalong-lalo na sa mga liblib o underserved communities sa ating bansa.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

I do hope, however, that with this latest directive of the Chief PNP, we hear less cries from the people regarding the proliferation of drugs in the country, and that even fewer shall fall victim to various criminal activities,” saad ni Duterte.