Naihatid na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa taumbayan ang kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, Hulyo 22.
Ang SONA ay taunang ulat ng pangulo ng Pilipinas sa Kongreso. Inilalatag niya rito ang kaniyang mga plano at programa para sa bansa sa susunod pang mga taon ng kaniyang panunungkulan.
Isinasagawa ito alinsunod sa Konstitusyon ng 1987 na matatagpuan sa Artikulo 7, Seksyon 23.
Ayon sa seksyong ito: “Dapat magtalumpati ang Pangulo sa Kongreso sa pagbubukas ng regular na sesyon nito. Maaaring humarap din siya rito kahit sa iba pang pagkakataon.”
Nakatakdang gawin ang taunang ulat tuwing ikaapat ng Lunes ng buwan ng Hulyo.
Sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos—na tumagal ng isa’t kalahating oras—ilan sa mga mahahalaga niyang tinalakay ay ang hamong kahaharapin ng bagong kalhim ng edukasyon na si Sonny Angara.
MAKI-BALITA: Hamon ni PBBM kay Angara: 'Tiyakin ang pagbangon, pagtaas ng kalidad ng edukasyon'
Tinalakay din ng pangulo ang tungkol sa pagpapatuloy umano ng bloodless war kontra droga at ang planong gawing “world-class international airport” ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
MAKI-BALITA: Extermination, hindi sagot kontra ilegal na droga
MAKI-BALITA: NAIA, target na maging 'world-class international airport' -- PBBM
Pero tila ang higit na tumatak sa kaniyang ikatlong SONA ay ang huling bahagi kung saan iginiit niya ang kaparatan ng mga Pilipino sa West Philippine Sea at idineklara niya na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ay “banned” na sa buong Pilipinas.
MAKI-BALITA: PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'
MAKI-BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH
Hindi hamak na mas matagal at mahaba ang kaniyang ikatlong SONA kumpara sa ikalawa na tumagal lamang ng 1 oras at 13 minuto samantalang ang una naman ay tumagal ng 1 oras at 11 minuto.
Sa kasalukuyan, nananatili pa rin kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang titulo ng pangulong may pinakamahaba at pinakamatagal na SONA sa kasaysayan na tumagal ng 2 oras at 45 minuto.