November 24, 2024

Home FEATURES Human-Interest

'Spread kindness!' AKF, nanawagang patuluyin stray animals ngayong tag-ulan

'Spread kindness!' AKF, nanawagang patuluyin stray animals ngayong tag-ulan
Courtesy: Animal Kingdom Foundation/FB

“Your kindness will save a life.”

Ngayong panahon ng tag-ulan, nanawagan ang Animal Kingdom Foundation (AKF) sa publikong patuluyin at bigyan ng kahit saglit lamang na masisilungan ang street animals.

Sa isang Facebook post, sinabi ng AKF, isang Non-Governmental Organization (NGO) na nakabase sa Capas, Tarlac, na napakahirap para sa mga hayop na walang tahanan at hindi makahanap ng masisilungan ang tag-ulan, kaya’t sana raw ay piliin ng bawat isa na magbukas ng pinto para sa kanila.

“Dear AKF Friends, as the rainy season arrives, it brings challenges not only for us but also for the countless street animals struggling to find shelter. Whether you're an animal lover or not, we can all make a small but impactful difference,” anang AKF.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

“Please consider allowing them to take refuge in our homes or provide them temporary shelter to help them stay safe and dry.”

“Your kindness will save a life. Together, we can ensure that no animal suffers during this time,” saad pa nito.

Sa kasalukuyan ay nakararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa, lalo sa ang mga bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Carina at southwest monsoon o habagat.