November 23, 2024

Home FEATURES Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?
Photo Courtesy: Freepik

Naglabas ng kani-kanilang reaksiyon ang iskolar at akademiko nang mag-trending ang post ng isang guro mula sa probinsya ng Quezon na si Danny Calcaben tungkol sa umano’y mathematical discovery nito.

Sa Facebook post ng four-time national topnotcher na si Rolando Tubo, Jr. nitong Lunes, Hulyo 22, sinabi niya na isa umanong malaking kalokohan ang pahayag ni Calcaben sa post nito.

“Ito ay MALAKING KALOKOHAN [...} You first need to realize that there are mathematical geniuses na may napakaraming apprentices na gumugugol ng sobrang daming oras para masolve ang mga problem na ito. 

“Hindi ito basta basta na pwede mong i-demonstrate sa white board gaya ng sinasabi ni Danny Calcaben. Kailangan itong i-verify ng libo-libong mathematicians sa buong mundo upang tunay na madouble check. Ang tawag dito ay peer review,” aniya.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Ang peer review ay isa umanong pagsusuri ng mga eksperto sa isang sulatin ng mga kapuwa rin nila dalubhasa. 

Kaya sabi niya: “Bago masabing totoo ang isang bagay, kailangan muna itong i-criticize ng paulit ulit to the point na walang kahit sinong tao ang kayang ideny na totoo ang discovery mo.”

Matatandaang lumiham si Calcabenkay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang humingi ng proteksyon mula sa banta ng plagiarism sa kaniya umanong mathematical discovery.

MAKI-BALITA: Guro sa Quezon, lumiham sa pangulo para sa kaniyang mathematical discovery

Samantala, nagbigay naman ng reaksiyon ang Intellectual Property Office of the Philippines kaugnay sa isyung ito.

MAKI-BALITA: IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon