Naghayag ng pasasalamat ang TV host na si Bianca Gonzalez kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Senador Risa Hontiveros matapos ang pag-ban sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Pilipinas.
Matatandaang inanunsyo ni Marcos sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 22, na simula sa araw na iyon ay ipinagbabawal na ang POGO sa bansa.
MAKI-BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH
“Maraming salamat PBBM for taking a stand to BAN POGOs in the country,” saad naman ni Gonzales sa isang X post nitong Lunes ng gabi.
Bukod dito, nagpasalamat din si Gonzales kay Hontiveros dahil sa pangunguna raw nito sa “pag-expose” sa mga POGO sa Senado.
“Maraming salamat Sen. Risa Hontiveros for leading the way and your relentless fight to expose the POGOs,” saad ni Gonzales.
Si Hontiveros ang nagsisilbing chairperson ng Senate panel on family relations na nanguna sa pag-imbestiga ng Senado sa mga umano’y kriminalidad sa POGO, tulad ng human trafficking.
KAUGNAY NA BALITA: Gatchalian, binati si Hontiveros hinggil sa POGO: 'Our prayers were finally answered'