“BBM's refusal is best authentication.”
Ito ang binigyang-diin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang hamunin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpa-hair follicle drug test upang mapatunayan daw na hindi totoo ang kumakalat na umano’y "polvoron" video nito.
Matatandaang kamakailan lamang ay kumalat sa iba’t ibang social media platforms ang isang video ng paggamit umano ng pangulo ng ilegal na droga na ipinalabas daw sa Maisug gatherings sa Vancouver, Canada at Los Angeles, USA.
Pinabulaanan naman ng Department of National Defense (DND) ang naturang video, at sinabing ito umano ay isang “maliciously crude attempt to destabilize the administration.”
MAKI-BALITA: DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM
Sa isa namang pahayag nitong Lunes, Hulyo 22, iginiit ni Duterte na walang kinalaman ang Hakbang ng Maisug national leadership sa nasabing video.
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM
“As expected, the Marcos administration swiftly challenged the authenticity of the so-called
‘polvoron’ video, saying the ‘obviously fake video’ is ‘again another maliciously crude attempt to destabilize the administration’ of President Marcos,” giit ng dating pangulo.
“First, the Marcos administration's feeble attempt to dismiss the video by simple denial actually reinforces the simmering suspicion of President Marcos drug addiction. As any lawyer knows, denial is the weakest form of defense. It has to do better than that,” dagdag niya.
Ayon pa kay Duterte, ang “best way” umano upang matigil na ang isyu ay ang pagpapa-hair follicle drug test ni Marcos.
“Even the ordinary man on the street knows that the best way to put the issue to rest is for President Marcos to undergo a hair follicle drug test. When undertaken by a credible drug testing center, a negative result would erase all doubts once and for all,” saad ni Duterte.
“Instead of doing that, however, President Marcos responded either with feigned laughter, feeble denial or complete silence. A drug user for a President is no laughing matter and he should be first one to know that. In a critical juncture in the nation's history when he has threatened to send the country's soldiers to war, the President's drug habit poses a clear and present danger.”Samantala, iginiit din ng dating pangulo na ang pagtanggi raw ni Marcos na magpa-drug test ay pagpapakita ng umano’y “authenticity” ng video o ng “drug addiction” ng pangulo.
“With due apologies to all the experts who vouched for the authenticity of the video, the refusal of President Marcos to undergo the hair follicle drug test is the best proof not only of the video's authenticity but, worse, his drug addiction,” saad ni Duterte.
Habang sinusulat ito’y wala pa namang komento si Marcos o ang Malacañang hinggil sa pahayag ni Duterte.