December 23, 2024

Home FEATURES Trending

Bacalso, 'di raw nag-demand na tumayo ang waiter na tumawag ng 'sir' sa kaniya

Bacalso, 'di raw nag-demand na tumayo ang waiter na tumawag ng 'sir' sa kaniya
Photo courtesy: Jude Bacalso (FB)/John calderon via Ogie Diaz (FB)

Ipinaliwanag ng transgender customer na si Jude Bacalso na hindi siya nag-demand sa pinagsabihang waiter na tumawag sa kaniyang "Sir," na tumayo ito ng dalawang oras.

Iyan ang bahagi ng kaniyang public apology post nitong Lunes, Hulyo 22.

MAKI-BALITA: Bacalso, nag-sorry sa isyu ng pagpapatayo sa waiter dahil tinawag siyang 'sir'

"I also want to underscore that the management always had the back of their personnel with constant communication with me on behalf of their employees, who are all treated as family, as I know personally from their history. To quote the supervisor, they served me as best they could even if it was most difficult for them to do so."

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, maraming naka-relate

"I would like also to reiterate that I did not demand that the waiter stand for the whole length of time, as I was explaining my side of the gender sensitivity issue, it was he who chose to stand in front of me as we waited for input from management, who I attempted to contact," aniya.

Matatandaang umani ng batikos si Bacalso mula sa netizens at celebrities matapos mag-viral ang post ng concern netizen na si "John Calderon" patungkol sa nangyari.

MAKI-BALITA: Transgender customer na nagpatayo sa waiter, tinadtad ng 'sir' at 'angkol'

Bagay na nireaksyunan din ng showbiz columnist-talent manager na si Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Bukod daw sa keps: Ogie kay Jude, 'Sana pinakitaan mo ng pruweba na babae ka talaga!'