November 24, 2024

Home FEATURES

ALAMIN: Ilang palakpak at standing ovation ang nakuha ni PBBM sa SONA?

ALAMIN: Ilang palakpak at standing ovation ang nakuha ni PBBM sa SONA?
Photo: Noel Pabalate/MB

Nitong Lunes, Hulyo 22, nang bigkasin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ikatlo niyang State of the Nation Address (SONA).

Sa kaniyang pagtalakay sa mga isyung kinahaharap ng bansa, ilang palakpak at standing ovation nga ba ang natanggap ni Marcos sa kaniyang SONA?

Base sa ulat ng Manila Bulletin, dalawang standing ovations at 125 rounds of applause  ang natanggap ng pangulo nang ihayag niya ang kaniyang talumpati.

Nakatanggap si Marcos ng unang standing ovation nang igiit niya ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

“Ang West Philippine Sea ay hindi kathang isip lamang,” ani Marcos.

“Ito ay atin at ito ay mananatiling atin hangga’t nag-aalab ang diwa ng ating minamahal na bansang Pilipinas,” saad pa niya.

MAKI-BALITA: PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

Samantala, mas naging malakas naman ang palakpakan na may kasamang standing ovation mula sa audience ang natanggap ng pangulo nang ideklara niyang simula nitong Lunes ay “banned” na ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Pilipinas.

"Effective today, all POGOs are banned. I hereby instruct PAGCOR to whine down and seize the operation of POGOs by the end of the year,” saad ni Marcos.

MAKI-BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH

Sa kalagitnaan ng pagbitiw ni Marcos sa bahaging iyong ng kaniyang SONA hinggil sa POGO ay napuno ang plenary hall ng House of Representatives ng mga sigawang: “BBM! BBM! BBM!”

Samantala, kasama rin sa mga tinalakay ni Marcos na nagbunsod ng palakpakan mula sa kaniyang mga tagapakinig ay ang pangako niyang magiging “world-class international airport” ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang pagbibigay-diin niyang hindi sagot ang “extermination” sa pagresolba ng ilegal na droga sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: NAIA, target na maging 'world-class international airport' -- PBBM

MAKI-BALITA: Extermination, hindi sagot kontra ilegal na droga

Umabot sa 82 minuto ang talumpati ni Marcos sa kaniyang SONA na ginanap sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.