Ibinahagi ni House Speaker Martin Romualdez na “solid 10 out of 10” ang grado niya sa naging performance ng kaniyang pinsang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakalipas na isang taon mula noong 2023 State of the Nation Address (SONA) nito.
Sa isang video clip nitong Linggo ng gabi, Hulyo 21, iginiit ni Romualdez na ipinakita umano ni Marcos ang “strong leadership” at paggawa ng mga hakbang upang matupad ang mga pangakong binitawan niya noong nakaraang SONA.
"I would grade the President's performance at a solid 10 out of 10," ani Romualdez.
"Over the past year, he has demonstrated strong leadership and made significant strides in delivering on his promises from the last SONA.”
“While there is always room for improvement, his dedication and achievements thus far are truly noteworthy," saad pa niya.
Nakatakdang ipahayag ni Marcos ang kaniyang ikatlong SONA ngayong Lunes ng tanghali, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.