Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang West Philippine Sea (WPS) ay “hindi kathang isip lamang” at ito raw ay sa Pilipinas.
Iginiit ito ni Marcos sa gitna ng kaniyang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes, Hulyo 22.
“Ang West Philippine Sea ay hindi kathang isip lamang,” giit ni Marcos.
“Ito ay atin at ito ay mananatiling atin hangga’t nag-aalab ang diwa ng ating minamahal na bansang Pilipinas,” saad pa niya.
Samantala, sinabi rin ni Marcos na mahalagang manatiling nakaangkla ang bansa sa “diplomasya” habang ipinaglalaban nito ang soberanya ng bansa mula sa China.
"Proper diplomatic channels and mechanisms under the rules-based international order remain the only acceptable means of settling disputes," saad ni Marcos.