Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na simula ngayong Lunes, Hulyo 22, ay “banned” ang Philippine offshore Gaming Operators (POGOs) sa Pilipinas.
Ang naturang pagdeklara ng pangulo ay kaugnay umano ng mga kriminalidad na nangyayari sa bansa na nauugnay sa POGO, tulad ng human trafficking.
"Effective today, all POGOs are banned,” ani Marcos.
“I hereby instruct PAGCOR to whine down and seize the operation of POGOs by the end of the year,” saad pa niya.
Kaugnay nito, inatasan ng pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga Pilipinong maaapektuhan ng naturang pag-ban ng POGO para magkaroon daw sila ng bagong kabuhayan.