January 15, 2025

Home FEATURES

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024
Photo Courtesy: Mae Abagat (FB)

Isang 27-anyos na Bikolana ang napiling kumanta ng pambansang awit ng Pilipinas para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Si Blessie Mae Abagat ay mula sa Camaligan, Camarines Sur at nakasungkit ng gintong medalya sa limang vocal styles sa 2024 World Championships of Performing Arts (WCOPA).

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News kamakailan, hindi raw inakala ni Blessie na siya ang mapipiling umawit ng “Lupang Hinirang” sa SONA 2024.

“I was shocked when Darius [Miguel] messaged me. Sabi niya: ‘Ate, block your July 22 for SONA. Hindi talaga agad nag sink in sa akin na ako pala yung napili to sing the national anthem for SONA,” aniya.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

Si Darius na tinutukoy ng Bikolanang singer ay isa umano sa mga provincial director sa WCOPA Philippines.

Samantala, bilang paghahanda sa kaniyang pagtatanghal, sumailalim si Blessie sa isang intensibong pagsasanay sa tulong at gabay ng Academy of Performing Arts.