January 15, 2025

Home BALITA National

Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets

Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets
VP Sara Duterte at Pangulong Bongbong Marcos (file photo)

Hindi papanoorin ni Vice President Sara Duterte ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahit pa sa telebisyon o gadgets.

Sa isang pahayag ngayong Lunes, Hulyo 22, ibinahagi ng opisina ni Duterte na kasalukuyan itong nasa Bohol upang ihayag daw ang kaniyang pakikisimpatya sa mga Boholano dahil sa pagkamatay ni Vice Governor Dionisio Victor Balite kamakailan.

“She is currently in Bohol to empathize with the Boholanos for the death of their Vice Governor, as well as to uplift the general mood of the people brought about by the suspension of their duly-elected local officials,” ayon sa kanilang pahayag.

“It is also Bohol Day today, which makes it an opportune time for the Vice President to bring a message of hope — na may Diyos na nagbabantay sa atin, at sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsisikap, magagawa nating ayusin ang Bayan muli,” dagdag pa.

National

OVP, walang pondo sa kanilang medical and burial assistance program

Matatandaang kamakailan lamang ay inihayag ni Duterte na hindi siya dadalo sa SONA ni Marcos, at itinatalaga raw niya ang kaniyang sarili bilang “designated survivor.”

Ngayong Lunes ng hapon nakatakdang ganapin ang ikatlong SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.