December 23, 2024

Home BALITA

Extermination, hindi sagot kontra ilegal na droga

Extermination, hindi sagot kontra ilegal na droga
Photo Courtesy: Screenshot from RTVM (YT), via MB

Tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tungkol sa ilegal na droga sa Pilipinas sa kaniyang State of the Nation Address nitong Lunes, Hulyo 22.

Ayon sa sa kaniya, ipagpapatuloy ng pamahalaan ang umano’y bloodless war kontra sa iligal na droga.

“On the fight against dangerous drugs, our bloodless war on dangerous drugs adheres, and will continue to adhere, to the established ‘8 Es’ of an effective anti-illegal drugs strategy,” saad ng pangulo.

Pagpapatuloy pa niya: “Extermination was never one of them.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kasalukuyan, batay sa tala, bumaba umano ng 30 porsiyento ang mga barangay na apektado ng ipinagbabawal na gamot.