January 22, 2025

Home BALITA National

DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM

DND, pinabulaanan ang malisyosong video tungkol kay PBBM
Photo Courtesy: DND (FB), Screenshot from X

Naglabas ng pahayag ang Department of National Defense (DND) kaugnay sa malisyosong video clip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na kumakalat sa iba’t ibang social media platform.

Sa Facebook post ng DND nitong Lunes, Hulyo 22, pinabulaanan nila ang naturang video na kuha umano sa pagtitipon ng Maisug sa Los Angeles.

“The obviously fake video being circulated emanating from a MAISUG gathering in Los Angeles is again a maliciously crude attempt to destabilize the administration of President Ferdinand Marcos Jr. They will not succeed!” pahayag ng DND.

Dagdag pa nila: “Even the release of the contrived video in the USA is a cowardly attempt to escape Philippine criminal jurisdiction.”

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa kasalukuyan, hinihimok nila ang mga awtoridad ng Amerika na imbestigahan at panagutin ang mga indibidwal na nasa likod ng umano’y nakakasuklam na gawa.