Nagpaabot ng pasasalamat ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno kay Senador Risa Hontiveros dahil sa pag-ungkat nito sa kontrobersiyal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Pilipinas.
Sa kaniyang X post nitong Lunes, Hulyo 22, sinabi ni Diokno na malamang ay hindi umano iba-ban ang POGO kung hindi inungkat ni Hontiveros ang tungkol dito.
“Maraming salamat Sen Risa! Kung di nyo inungkat ang mga POGO malamang di pa siya na-ban,” saad ni Diokno.
Pahabol pa niya: “Dapat may kasabay ang ban-- pagpapanagot sa mga salarin AT mga government officials na kakonchave at kumita sa kanila.”
Tuluyan na kasing inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang State of the Nation Address ang pag-ban sa POGO
Ang naturang pagdeklara ng pangulo ay may kinalaman umano sa mga kriminalidad na nangyayari sa bansa na nauugnay sa POGO, tulad ng human trafficking.
MAKI-BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH