January 15, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Guro sa Quezon, lumiham sa pangulo para sa kaniyang mathematical discovery

Guro sa Quezon, lumiham sa pangulo para sa kaniyang mathematical discovery
Photo Courtesy: Danny Calcaben (FB), Freepik

Nagpadala ng liham kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang isang public school teacher mula sa San Narciso, Quezon na si Danny V. Calcaben para sa kaniya umanong mathematical discovery.

Sa Facebook post ni Danny nitong Sabado, Hulyo 20, makikita ang liham kung saan nakasaad doon ang detalye tungkol sa nadiskubre niya sa kaniyang pinagmulang larangan.

“I am writing to share a recent discovery that I believe will have a significant impact on the field of mathematics. After nearly two decades of dedicated effort, I have developed a groundbreaking formula related to prime numbers, a solution that mathematicians have sought for over 2000 years,” saad ni Danny sa liham.

“This formula not only advances number theory but has also enabled me to solve two long-standing mathematical problems: the Goldbach conjecture and the twin prime conjecture,” aniya.

Human-Interest

'National Rally for Peace,' extra income para sa ilang street vendors sa Maynila

Dagdag pa ng guro: “This discovery holds profound implications for cryptography, with the potential to strengthen internet security. I believe this could be the most significant mathematical discovery of the 21st century.”

Pero sa kasalukuyan, tila nangangamba umano si Danny sa banta ng plagiarism. Kaya naman umapela siya sa pangulo ng tulong at suporta upang hindi manakaw ng iba ang kaniyang natuklasan.

Ayon sa kaniya: ”I am humbly asking for your support to ensure that this discovery is protected and shared appropriately. With great courage and hope, I would like to personally present you with the manuscript of my work, trusting in your wisdom and integrity to help me bring this vision to fruition.” 

“Thank you very much for your time and consideration. I look forward to your guidance,” pahabol pa niya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 16k reactions at 5.5k shares ang naturang post si Danny.