November 23, 2024

Home BALITA National

P50K, pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa agilang si 'Mangayon'

P50K, pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa agilang si 'Mangayon'
Courtesy: DENR Davao/FB

“Justice for Mangayon, justice for the environment!”

Pagkakalooban ng ₱50,000 ang sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon upang matukoy ang bumaril sa Critically Endangered Philippine Eagle na si Mangayon na pumanaw na kamakailan.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, noong Hulyo 8, 2024 nang matagpuan ng mga sundalo ang nanghihina nang si Mangayon dahil sa tama nito ng baril sa kaliwang pakpak. Namatay raw siya kinagabihan sa Philippine Eagle Center, kung saan siya sinubukang gamutin ngunit hindi na nasalba dahil sa dami ng dugong nawala.

Kaugnay nito, sa isang Facebook post ay mariing kinondena ng Department of Environment and Natural Resources XI (DENR XI) at Provincial Local Government of Davao de Oro ang naging pagpaslang kay Mangayon.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Nakikipag-ugnayan na rin daw ang naturang mga ahensya sa law enforcement agencies upang malaman ang pagkakakilalanlan ng pumaslang sa agila.

Bukod dito, inanunsyo rin ng DENR XI na nag-aalok si Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga ng ₱50,000 para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng pumaslang kay Mangayon.

“We urge the public to be vigilant and be part of safeguarding our wildlife species and avoiding others to suffer the same fate as Mangayon,” anang DENR XI.

“Please contact DENR-PENRO Davao de Oro through Mr. Jhonitz King P. Isaac at the cellphone number: 09276448394 or through e-mail at [email protected] for any viable information you may have regarding this tragedy.”

“Justice for Mangayon, justice for the environment,” saad pa nito.

Ayon sa Philippine Eagle Foundation (PEF), si Mangayon ika-20 na Philippine eagle na nailigtas mula 2020 at ang ikaapat sa taong ito.