November 22, 2024

Home FEATURES Trending

MMDA, nakaka-relate na kay Rendon Labador?

MMDA, nakaka-relate na kay Rendon Labador?
Photo Courtesy: Rendon Labador, MMDA (FB)

Nagbigay ng komento ang social media personality na si Rendon Labador hinggil sa bagong rampa sa isang busway station sa Quezon City.

Sa Facebook post kasi ni Rendon nitong Biyernes, Hulyo 19, makikita ang quote card ng pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bumabatikos sa naturang rampa na nakalaan umano para sa mga person with disability (PWD).

Marami kasing netizen ang hindi nagustuhan ang bagong rampa dahil sa ayos at disenyo nito na sa halip na maging ligtas ang gagamit ay mapapahamak pa.

“Nais namin ipabatid na mayroong  height restriction ang MRT na sinunod ng MMDA kaya hindi naging posible na ipantay ang elevator sa footbridge,” saad sa quote card.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Dagdag pa rito: Hindi ito perpektong disenyo lalo na sa mga naka wheelchair pero malaking tulong pa rin ito para sa mga senior citizens, buntis at ibang PWDs sa halip na umakyat gamit ang hagdan.” 

Sey naman ni Rendon: “Nakakarelate na ba ang MMDA sa akin? Na kahit maganda intensyon mo, ang makikita lang ng mga tao ay ‘yong mga mali mo.

Matatandaang idineklarang persona non-grata sina Rendon sa buong Palawan matapos mangyari ang mainitang komprontasyon sa isang babaeng kawani sa munisipyo ng Coron.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar idineklarang persona non grata sa buong Palawan

Pero sa isang panayam, sinabi ni Rendon na wala naman daw siyang pinagsisisihan sa nangyari dahil may aral naman umano siyang mapupulot mula roon.

MAKI-BALITA: Rendon, walang pinagsisihan matapos ideklarang persona non grata