December 27, 2024

Home BALITA National

Hontiveros sa FB post ni Guo: 'Kada log-in mo may bago ka na namang imbento'

Hontiveros sa FB post ni Guo: 'Kada log-in mo may bago ka na namang imbento'
PHOTOS COURTESY: SENATE PRIB

Nag-react si Senador Risa Hontiveros sa panibagong Facebook post ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo tungkol sa patong-patong na kasong inihain laban sa kaniya, kabilang na rin ang pagtutok sa kaniya ng senadora at ni Senador Win Gatchalian.

BASAHIN: Alice Guo kina Hontiveros at Gatchalian: 'Am I really the country's biggest problem?'

"Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping, mas marami pa kayong post sa Facebook kaysa sa attendance sa Senate hearing. Attendance before the Senate hearings is adherence to the rule of law," saad ni Hontiveros sa isang pahayag nitong Biyernes, Hulyo 19.

"So sadly for you, hindi katumbas ng attendance mo sa Senado ang maya’t-maya mong pagso-social media," dagdag pa niya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon pa kay Hontiveros, paano raw magkakaroon ng peace of mind kung palagi raw iiwas si Guo sa mga tanong ng Senate hearing.

Sinabi kasi ni Guo nitong Huwebes, Hulyo 18, na prayoridad niya ngayon ang "peace of mind" at kaniyang kalusugan

BASAHIN: 'Peace of mind' at kalusugan, prayoridad daw ngayon ni Alice Guo

"Paano ka magkakaroon ng peace of mind kung palagi ka na lang iiwas sa mga tanong? Kung nakakalimutan mo, pinapatawag ka dahil nasa gitna ka ng pang-aabuso ng POGO sa mga batas natin, na hinayaan mong lumawak dahil sa impluwensya mo bilang Mayor," patutsada ni Hontiveros.

"Nagsinungaling ka tungkol sa koneksyon mo sa POGO, nagsinungaling ka tungkol sa pagkatao mo, at kada log-in mo sa Facebook, may bago ka na namang iniimbento.

"Huwag kayong mag-alala, hindi kami fixated sa'yo. Allergic lang kami sa mga sinungaling," sabi pa ng senadora. 

Sa naturang Facebook post din, umapela si Guo kina Hontiveros at Gatchalian na mas pagtuunan ng pansin ang mga problema ng bansa sa halip na patuloy umano siyang bantaan na aarestuhin.

"I appeal to them to focus on their attention on these problems instead of continuously threatening me with arrest and accusing me of being complicit in various Philippine Offshore Gaming Operations (POGO)-related crimes, which are untrue and unfounded. Am I really the country's biggest problem that they need to focus on? Or they just want to project me as the antagonist/villain?," aniya.

BASAHIN: Apela ni Guo: Magpokus sa problema ng bansa kaysa bantaan, tutukan siya