December 26, 2024

Home BALITA National

Guo, umalma sa pagdawit sa kaniya sa 'death threats' na natanggap ni Gatchalian

Guo, umalma sa pagdawit sa kaniya sa 'death threats' na natanggap ni Gatchalian
Mayor Alice Guo at Senador Win Gatchalian (File Photo; Facebook)

Umalma si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagkakadawit sa kaniyang pangalan hinggil sa umano’y banta sa buhay ni Senador Win Gatchalian.

Matatandaang noong Martes, Hulyo 16, nang isapubliko ang pag-ulat ni Senador Win Gatchalian sa Pasay City Police na nakatanggap umano siya ng death threats sa gitna ng kaniyang partisipasyon sa pag-imbestiga ng Senado sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na konektado sa alkalde at sa Guo family.

MAKI-BALITA: Sen. Gatchalian, nakatanggap umano ng banta sa kaniyang buhay

Sa isa namang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 18, iginiit ni Guo na hindi umano siya naglalagay ng anumang banta kay Gatchalian o sa sinuman. 

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

“I assure the public and Sen. Win Gatchalian that I do not pose any threat to him or to anyone. I believe in and adhere to the rule of law, and not the rule of men,” ani Guo.

“Specifically, I categorically deny any involvement in the death threats received by Sen. Win Gatchalian. I have no capacity, much less intent, to cause any harm against anyone.”

Ayon pa sa alkalde, siya raw mismo ay nakatatanggap ng mga banta simula raw nang umusbong ang mga isyung kinasasangkutan niya.

“I myself have been receiving actual and online threats since the start of this issue. I am well-aware of the feeling of receiving threats against my person, safety, and security. Thus, I strongly condemn such inhumane or callous acts,” saad ni Guo.

Sinabi rin ng alkalde na hindi siya nakadalo sa dalawang Senate hearings noong Hunyo 26, 2024 at Hulyo 10, 2024 dahil daw sa “severe exhaustion” at “trauma” na naranasan niya sa mga nagdaang pagdinig ng Senado.

“My primary priority now is my health and peace of mind, so that I can properly address all the legal issues directed at me,” saad ni Guo.

Matatandaang noong lamang Sabado, Hulyo 13, nang maglabas ang Senado ng arrest order laban kay Guo dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig ng Senate committee noong Hunyo 26, 2024 at Hulyo 10, 2024, kaugnay ng na-raid na POGO hub sa Bamban.

Bukod sa suspendidong alkalde ay inihain din ang arrest order laban kina Dennis Cunanan, Nancy Gamo, Sheila Guo, Wesley Gui, Jian Zhong Go, Seimen Guo, at Wenyi Lin.

MAKI-BALITA: Senado, naglabas na ng arrest order vs Alice Guo

Kaugnay nito, ipinahayag ni Gatchalian kamakailan na isang hakbang ang pag-aresto kay Guo at pito pa nitong mga kasamahan para masigurado umano ang kaligtasan ng bansa.

MAKI-BALITA: Gatchalian sa tunay na pagkatao ni Mayor Alice Guo: 'Nalusutan tayo'