Umapela si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kina Senador Risa Hontiveros at Senador Win Gatchalian na mas pagtuunan ng pansin ang mga problema ng bansa sa halip na patuloy umano siyang bantaan na aarestuhin.
Sa isang pahayag nitong Huwebes, Hulyo 18, naglabas ng saloobin si Guo tungkol sa patong-patong na kasong inihain laban sa kaniya, kabilang na rin ang pagtutok sa kaniya nina Hontiveros at Gatchalian.
BASAHIN: Alice Guo kina Hontiveros at Gatchalian: 'Am I really the country's biggest problem?'
Kaya umapela si Guo na maraming problema ang Pilipinas na dapat bigyan ng pansin gaya raw ng "as national security, poverty, unemployment, food shortage, healthcare delivery, environmental degradation, and human rights violations."
"I appeal to them to focus on their attention on these problems instead of continuously threatening me with arrest and accusing me of being complicit in various Philippine Offshore Gaming Operations (POGO)-related crimes, which are untrue and unfounded. Am I really the country's biggest problem that they need to focus on? Or they just want to project me as the antagonist/villain?," ayon pa sa suspended mayor.
Samantala, umalma Guo sa pagkakadawit sa kaniyang pangalan hinggil sa umano’y banta sa buhay ni Gatchalian.
BASAHIN: Guo, umalma sa pagdawit sa kaniya sa 'death threats' na natanggap ni Gatchalian
Matatandaang noong Martes, Hulyo 16, nang isapubliko ang pag-ulat ni Senador Win Gatchalian sa Pasay City Police na nakatanggap umano siya ng death threats sa gitna ng kaniyang partisipasyon sa pag-imbestiga ng Senado sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na konektado sa alkalde at sa Guo family.
BASAHIN: Sen. Gatchalian, nakatanggap umano ng banta sa kaniyang buhay
Nag-ugat ang lahat ng ito dahil sa iligal na POGO sa Bamban, Tarlac at nauwi sa pangunguwestiyon sa totoong identidad ni Guo.
Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Hontiveros na kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lamang si Guo at ang isang Chinese national na “Guo Hua Ping.”
BASAHIN: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros