December 26, 2024

Home BALITA National

Alice Guo kina Hontiveros at Gatchalian: 'Am I really the country's biggest problem?'

Alice Guo kina Hontiveros at Gatchalian: 'Am I really the country's biggest problem?'
photos courtesy: SENATE PRIB

Naglabas ng saloobin si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo tungkol sa patong-patong na kasong inihain laban sa kaniya, kabilang na rin ang pagtutok sa kaniya nina Senador Risa Hontiveros at Senador Win Gatchalian.

"While multiple open cases have been filed against me, I am deeply concerned about and keep questioning why Senator Win Gatchalian, Senator Risa Hontiveros, and the other offices seem fixated on me. If they have evidence against me, I am ready to face them in a fair trial and at a proper forum," saad ni Guo nitong Huwebes, Hulyo 18. 

Dagdag pa niya, ayaw niya raw sanang magamit para sa "political ambitions" ng kahit na sino.

"Respectfully, I do not wish to be used by anyone to boost their political ambitions. Our country faces many critical issues such as national security, poverty, unemployment, food shortage, healthcare delivery, environmental degradation, and human rights violations. 

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

"I appeal to them to focus on their attention on these problems instead of continuously threatening me with arrest and accusing me of being complicit in various Philippine Offshore Gaming Operations (POGO)-related crimes, which are untrue and unfounded. Am I really the country's biggest problem that they need to focus on? Or they just want to project me as the antagonist/villain?"

Matatandaang pina-contempt ng Senate panel si  Guo noong Miyerkules, Hulyo 10, kaugnay sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa kaniyang bayan.

BASAHIN: Mayor Alice Guo, pina-contempt ng Senado; arrest warrant, inihahanda na

Hulyo 13 naman nang maglabas ang Senado ng arrest order laban kay Guo dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality noong Hunyo 26, 2024 at Hulyo 10, 2024.

BASAHIN: Paghain ng arrest order, unang hakbang lang para panagutin si Guo -- Hontiveros

Nag-ugat ang lahat ng ito dahil sa iligal na POGO sa Bamban, Tarlac at nauwi sa pangunguwestiyon sa totoong identidad ni Guo. 

Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Hontiveros na kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lamang si Guo at ang isang Chinese national na “Guo Hua Ping.”

BASAHIN: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros