Ipinasa na ni outgoing Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President Sara Duterte ang bandila at simbolo ng kagawaran kay incoming DepEd Secretary at Senador Sonny Angara sa ginanap na Turnover Ceremony ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 18, sa Bulwagan ng Kagitingan sa opisina ng DepEd sa Pasig City.
Makikitang masayang ipinasa ni VP Sara ang DepEd flag kay Sen. Angara na mainit na sinalubong ng mga kawani, at pagkatapos ay nagdaop sila ng mga palad.
Pagkatapos ng seremonya ay lumabas sila sa bakuran at nagtanim ng puno bilang simbolo ng kanilang legasiya sa nabanggit na ahensya.
Nagbigay rin ng talumpati ang dalawa bilang outgoing at incoming secretaries ng DepEd.
Matatandaang nagbitiw sa kaniyang tungkulin si VP Sara noong Hunyo bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’
Matapos ang halos isang buwan, inanunsyo ng Palasyo na si Sen. Angara na nga ang napiling bagong hepe ng DepEd.
MAKI-BALITA: Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary
MAKI-BALITA: Pag-turnover ni VP Sara kay Sen. Angara sa DepEd, gaganapin sa Hulyo 18