November 23, 2024

Home FEATURES

Paalala ng Globe: Panatilihing updated ang impormasyon sa SIM Registration

<b>Paalala ng Globe: Panatilihing updated ang impormasyon sa SIM Registration</b>

Nagpapaalala ang Globe sa mga customer nito na panatilihing updated ang kanilang impormasyon sa online SIM registration platform alinsunod sa SIM Registration Act.

Ang batas na ipinatupad noong Disyembre 2022 ay nag-uutos ng pagre-rehistro ng lahat ng SIM para sa kaligtasan at seguridad ng publiko laban sa cybercriminals na gumagamit ng anonymous na SIM para sa panloloko at iba pang krimen.

Dahil dito, mahalaga na mapanatiling tama at kumpleto ang personal na detalye ng mga SIM user lalo na kung may bagong address, nagbago ang pangalan dahil nagpakasal o kaya’y nagkaroon ng change name petition sa korte, o nag-update ng valid na government ID.

"Tinatawagan namin ang aming mga customer na kung sakaling may pagbabago sa mga detalye, i-update din ang SIM Registration data para manatiling compliant sa batas,” pahayag ni Darius Delgado, Vice President at Head of Consumer Mobile Business ng Globe. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pinaalalahanan din ng Globe ang mga customer na magsumite ng tamang detalye at tunay na photo ID.  Ang pagbibigay ng maling impormasyon o hindi paga-update ng mga detalye ay may katumbas na parusa sa ilalim ng batas.

Madali lang mag-update ng mga detalye sa SIM Registration portal ng Globe at maaari itong gawin ng hanggang dalawang beses sa isang taon. Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

Mag-log in sa Globe SIM registration platform.

Pumunta sa registration section at piliin ang "Edit".

Gawin ang kinakailangang pagbabago sa personal na impormasyon, tulad ng pangalan, address, email, at profile photo.

I-save ang na-update na impormasyon at tiyakin na tama ang mga pagbabagong ginawa.

Patuloy na inaayos ng Globe ang SIM Registration platform nito para protektahan ang data ng mga customer at mapanatili ang integridad ng mga serbisyo ng kumpanya.

Kasama sa mga hakbang nito ang paggamit ng advanced encryption protocols para protektahan ang data na ipinapadala habang nagre-register ng SIM, live photo capture technology para maiwasan ang paggamit ng stock o pre-existing na mga larawan, at limitadong ID submission retries para maiwasan ang random o paulit-ulit na pagpaparehistro gamit ang pekeng mga dokumento.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/.