November 15, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Imbes marelax: Netizens, na-stress daw sa panonood ng show ni Willie Revillame

Imbes marelax: Netizens, na-stress daw sa panonood ng show ni Willie Revillame
Photo courtesy: TV5

Sa halip daw na mag-enjoy ang mga manonood ay tila nahahawa na sila sa "stress" ng mismong TV host na si Willie Revillame sa comeback show nitong "Wil To Win" na napapanood tuwing hapon sa TV5.

Una na nga rito ang pag-init ng ulo ni Willie sa production staff ng show dahil umano sa mga kapalpakan. Hindi nagustuhan ni Willie ang lapses sa ilang segment ng programa, gaya ng "Sakokarera." Nagkaroon na raw sila ng rehearsal sa lahat subalit may mga palpak pa ring nangyayari, kaya nakiusap siya sa staff na tulungan naman siya dahil halos lahat, siya na lang daw ang kumikilos.

Nagkalat ang video clips ng iba't ibang segment ng Wil To Win kung saan makikita ang panggigigil ni Kuya Wil sa staff dahil sa hindi maayos na pagkaka-execute ng mga palaro.

"Puwede ba tayo mag-meeting lahat mamaya pagkatapos. Diyos ko, aatakihin ako sa inyo dito..." hindi na napigilang bulalas ni Willie sa nabanggit na segment.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Nagpaliwanag pa si Willie na sinisikap niya ang lahat para maging smooth ang mga unang episode ng kanilang show subalit hindi pa rin maiwasan ang mga "kapalpakan."

Giit pa ni Willie, siya ang naba-bash dahil sa kaniyang pagalit sa staff on-air.

"Tapos ako naba-bash. Pag nagagalit ako sa ere, mayabang, arogante?"

"Pasensya na kayo... Nahihirapan lang ako dahil pumalpak kami kanina sa writer, 'yong FD [floor director] namin, naglakad—para malaman n'yo kung ano'ng problema namin—pumalpak 'yong DJ, opening pa lang, sumabit na kami."

"Hindi n'yo nakikita 'yan. Pag nagagalit ako sa ere: mayabang, arogante, buwisit ka, bumalik ka pa, laos ka na?"

Bukod sa panenermon niya on-air sa production staff, usap-usapan din ang naging pahayag ng TV host-producer nitong si Willie Revillame patungkol sa TV ratings.

Sa mga TV network, mahalaga ang mataas na ratings sa isang TV program dahil ibig sabihin, maraming nanonood at sumusubaybay rito, at kapag maraming manonood, marami rin ang advertisement. Sa advertisement nabubuhay ang isang TV program.

Sinabi ni Willie na ang tunay na ratings para sa kaniya, ay ang audience ng programa.

"Alam n'yo ho, nakakatuwa ang buhay. Bakit? Para sa akin, para sa akin ang tunay na ratings, kayo," turo ni Willie sa studio audience.

"Kung may makikita kayong ipinakikita nilang ratings nila, mataas sila, hindi ho kami naaapektuhan. Kasi ang puso namin, mamigay ng saya at pag-asa sa inyo... basta kami tuloy-tuloy lang magtrabaho, dito sa TV5, aayusin namin mapasaya kayo araw-araw. At ang importante, ang show na 'to, original. Inisip ito para sa inyo. Hindi ito binibili sa ibang bansa. Ito po ay habambuhay, 'pag kaya namin, may programa kayo," giit pa ni Willie.

MAKI-BALITA: Kuda ni Willie patungkol sa TV ratings, katapat na show patutsada sa GMA Network?

Ang katapat na programa ni Willie sa GMA Network ay "Family Feud Philippines" ni Dingdong Dantes, na isang franchise. Nabanggit din ni Willie na itinapat daw sa programa niya ang isang episode nito noong Hulyo 15 kung saan naging guest ang Soriano family na kinabibilangan ng Diamond Star na si Maricel Soriano, at anak niyang si Meryll Soriano.

"Saka ang nakakatuwa ho, no'ng nag-live ako kahapon, 'yong anak ko (Meryll Soriano), si Ms. Maricel (Soriano), at 'yong aking mga ano, itinapat pa sa programa ko. So ibig sabihin, bakit? Ano 'yo, labanan ba 'to? Hindi. Tulungan natin ang mga kababayan nating naghihirap," saad pa ni Willie.

Binarda naman si Willie ng isang X user na nagngangalang "Bortang Barbie Girl" na umani ng maraming retweets at interactions.

"Willie Revillame lumabas ang pagiging inggrata! Nagpatama sa GMA matapos matalo sa ratings ang pilot episode ng kaniyang programa. Dinamay pa si Maricel at Meryll Soriano. Kalocca!" mababasa sa X post, na pumalo na sa 1M views ang naka-attach na video.

Payo pa ng mga netizen kay Willie, huwag nang ipakita sa telebisyon ang pagkabugnot at pag-init ng ulo niya dahil maging ang mga manonood ay nahahawa sa stress na nakikita nila sa programa.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Pang-ilang pagbabalik sa TV niya na ba 'to? Parang lagi na lang may ganyang rant si Willie Revillame, yung 'ginagawa ko 'to para lang mapasaya kayo' na spiel."

"Parang ang ironic naman na for entertainment-purposes ang show tapos ang mapapanood mo, 'yong pagra-rant ng host? Hindi nakaka-good vibes."

"It’s not a Willie Revillame show kung walang wordplay ng pangalan niya + win, and unnecessary live drama."

"NAKAKARINDI SI WILLIE REVILLAME JUSKO TUMAHIMIK KA NA LANG PATI FLOOR DIRECTOR MO PINAGALITAN MO PA PARA KANG T*NGA."

"Sorry but Mr. Willie Revillame needs to stop doing shows like this and simply rest. He is settled for life, worth billions of pesos. I don't think his age could take the management and patience. Just a simple mistake and he is already off. He doesn't need to do this, really."

"Ang stressful manood ng #WilToWin kasi parang laging aburido yung host. Kawawa yung mga female co-hosts, dancers, staff, at crew kasi parang lagi silang tensed."

"Pasan ni Kuya Wil ang mundo kasi he wants to go back to the glory days of Wowowee. This mindset is reflected on the stress & pressure he puts upon himself and his staff."

"Watching #WilToWin on youtube. Kalma lang Kuya Willie Revillame. Para good vibes ang show."

MAKI-BALITA: Willie uminit-ulo, pinagalitan ang production staff ng 'Wil To Win' sa ere

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Willie maging ang pamunuan ng Wil To Win at TV5 kaugnay sa mga isyung ipinupukol sa show.