Hindi pa rin humuhupa ang pagkuwestyon ng ilang netizens sa paraan ng pag-handle ng sikat na all-female Pinoy pop group na BINI sa tinatamasa nilang stardom at atensyon ngayon, na naikukumpara pa sa ibang sikat ding artist sa bansa.
Kagaya na lamang ng viral Facebook post ng isang nagngangalang "Tio Moreno" kung saan wish daw niyang gawing example ng BINI si Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo, pagdating sa paghawak ng kaniyang kasikatan kahit super successful na ito at masasabing may lugar na sa music industry.
"Sarah Geronimo has been in the music and entertainment industry for over two decades, and her fame remains undiminished. She can dance, sing, act, and model, showcasing her multi-talented and record-breaking abilities," aniya sa kaniyang viral Facebook post.
"Sara continues to meet the expectations of her supporters and fans with her humility. She never acts like a 'disney princess,' whether at the airport or as a guest at events. Her humility sets her apart from others."
"I hope BINI will follow her example," dagdag pa niya.
MAKI-BALITA: BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan
Sinususugan pa ito ng social media personality na si "Xian Gaza," na nagmungkahi pa sa BINI na sabayan nito ang mabilis na agos ng kasikatan habang nariyan pa; huwag "mag-attitude" sa fans at huwag masyadong umilag at magreklamo kung dinudumog sila sa mga pampublikong lugar.
MAKI-BALITA: 'Kayo ang dapat mag-adjust!' Xian Gaza, nakuha gigil ng Blooms
MAKI-BALITA: Xian Gaza sa BINI: 'Habang baliw na baliw fans n'yo, sabayan n'yo'
Kaugnay pa rin ito sa panawagan ng ilang BINI members at pati na ng management na may hawak sa career nila na igalang ang kanilang privacy at personal space lalo na kapag nasa pampublikong lugar sila.
MAKI-BALITA: Direk Lauren, nanawagang irespeto ang personal space at privacy ng BINI
Ginawang halimbawa pa ni Xian Gaza sa isa niyang post ang mga sikat na Korean pop superstars kapag bumibisita sila sa iba't ibang lugar.
Ang mga K-Pop superstars daw, kahit na todo-proteksyon sa kanilang mga sarili, ay nagagawa pa ring ibaba ang kanilang face mask at magbigay-pugay sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta.
"Ang mga K-pop superstars, kapag namamasyal sa pampublikong lugar eh naka-sombrero sila, naka-shades at naka-mask upang hindi sila dumugin. Pero kapag on the way sila sa isang show, kumakaway at nagba-bow sila sa mga die hard fans sa airport bilang respeto matapos silang maghintay ng matagal."
"It's a very simple gesture to show humility in the middle of global stardom. At the same time, it's a good strategy to market their group para mas lumawak pa ang kanilang fan base. Na kahit sobrang sikat na kayo eh nandito kayo sa harap naming lahat, walang takip ang mukha, greeting all of us. Very down to Earth. Sobrang nakakataba ng puso."
"On the other hand, it's good for business as walking products of your agency. Win-Win for everyone. Walang talo. Unless masyadong mataas na ang tingin niyo sa inyong mga sarili," aniya pa.
Samantala, isang negosyante vlogger na nagngangalang "Richard Licop" ang nagtanggol naman sa BINI.
Ikinuwento ni Richard sa isang post ang isang insidente sa isang event sa Makati kung saan naimbitahang mag-perform ang BINI.
Dahil sa pagiging agresibo ng ilang fans, bumagsak ang isang pader na mabuti na lamang, hindi tumama sa mga miyembro ng BINI.
Kaya para kay Richard, hindi nag-iinarte at nag-aattitude ang BINI kundi paraan lamang ito ng management para ingatan at protektahan sila.
Sinita pa ni Richard ang social media personality na si Xian Gaza na isa rin sa mga nagbigay ng puna sa pag-alma ng mga miyembro ng BINI pagdating sa kanilang privacy at personal space.
Buong post niya:
"Dear Xian Gaza, Musta ka? Sana ok ka lang. Hindi 'Nag-aattitude ng ganyan' ang BINI_ph, Sadyang nagiingat lang sila at iniingatan lang sila ng Management nila. Ito ay isa sa mga insidenteng nangyari na hindi alam ng mga Tao."
"Nangyari ito sa isang Event na naimbitahan ang Bini. Hindi kagustuhan ng Fans na makasakit o mailagay sa kapahamakan ang Bini pero dahil sa kagustuhan nilang makita at makawayan ang Bini, ito ang nangyari. Nagiba ang pader at muntik na mabagsakan ang Bini na sa mga oras na yan ay papaakyat na sa Stage. Nabagsakan ang mga Body Guards ng Bini at ilang Staff dahil sa mga Fans na nag-akyatan at nagtulukan sa kabilang pader."
"Sa kabila ng nangyari, Nag-perform padin ang Bini para makapag pasaya ng Tao. So kung ikaw? Ok lang sayo? Walang kaplastikan , kahit ako man, Sumikat, Magiging masaya ako. Pero kung malalagay na sa kapahamakan ang buhay ko at buhay ng ibang tao, siguro naman hindi kaartehan na maging maingat."
"Salamat Nagyari ito sa harap mismo ni Direk Lauren, na walang magawa kundi tingnan ang Pader na bumagsak. Kahit sino walang magagawa dito kundi magplano nalang ng ibang paraan para lalong maging protektado ang mga alaga mo."
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Richard, inamin niyang hindi siya fan ng BINI noon, subalit nang mapanood niya ang mga ito sa nabanggit na Makati event, ay naging fan na rin siya.
Hanga raw siya sa propesyunalismo ng BINI dahil kahit nagkaroon nga aberya sa event dahil sa ilang mga "pasaway" na fans ay tuloy-tuloy pa rin sila sa performance na parang walang nangyari.
"Nagtulakan kasi 'yong mga tao sa kabilang pader," kuwento niya.
"Nag-akyatan kaya bumagsak. Buti hindi nabagsakan ang BINI, pero may ilang mga bouncer at ibang staff ang medyo nahagip, sa harap mismo ni Direk Lauren [Dyogi]. Pero professional sila. Nag-perform na parang walang nangyari," paliwanag pa niya.
MAKI-BALITA: BINI hindi raw nag-iinarte at nag-aattitude: 'Sadyang nag-iingat lang sila!'
Sa kaniyang Facebook post, ipinagtanggol naman ng composer na si Lolito Go ang BINI. Huwag raw sanang ikumpara ang BINI sa South Korean female group na Blackpink dahil nasa peak ng career ngayon ang grupo.
Lolito Go - Picture ng BLACKPINK sa airport na kita ang mukha vs.... | Facebook
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang BINI o ang ABS-CBN kaugnay sa isyu.