December 24, 2024

Home SHOWBIZ

Alex Gonzaga, may 14M subscribers na sa YouTube channel: 'Malayo na pero malayo pa!'

Alex Gonzaga, may 14M subscribers na sa YouTube channel: 'Malayo na pero malayo pa!'
Photo courtesy: Alex Gonzaga (IG)

Bongga talaga ang isa sa mga pinakamatagumpay na celebrity-turned-social media personality na si Alex Gonzaga, dahil kahit hindi na siya aktibo ngayon sa mainstream media ay pumalo na sa 14 million ang followers o subscribers ng kaniyang YouTube channel.

Kaya naman nagpasalamat si Alex sa kaniyang followers at supporters dahil bago raw ang 7th anniversary ng YT channel ay pumalo na nga sa 14M ang mga sumusubaybay sa kaniya.

Photo courtesy: Screenshot from Alex Gonzaga (YouTube channel)

"Hi netizens. Two days before I celebrate the 7th year of my youtube channel, we reached 14M! Malayo na pero malayo pa! Mahal ko kayo " saad ni Alex sa kaniyang social media post.

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang kapwa social media personality na si Zeinab Harake, na gaya ni Alex, ay nasa higit 14M ang followers sa kaparehong social media platform.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

"Happy 14M ate ko alabyuuuuuu " anang Zeinab.

Nagpaabot din ng pagbati sa kaniya si ABS-CBN news anchor Karen Davila na may YouTube channel din na may 2.5M followers.

"Congratulations dear Alex and happy I was one of your 2019 guests pa! Amazing ka!" anang Karen.

Ang malapit din kay Alex na si Sen. Loren Legarda ay nagpaabot din ng congratulations sa kaniya. May YT channel din ang senadora subalit nasa 17.5k subscribers.

"Congratulations dear Alex! Proud of you!" anang senadora.

Tugon naman ni Alex, "thank you mama lodi! Part ka ng vlog journey ko "

Reply naman ng senadora, "You are gifted, a true creative, with a kind heart ."

Sa panayam kay Alex noong 2019 ni Boy Abunda, inamin niyang nasa 6-digits pataas ang kinikita ni Alex sa vlogging kada buwan. Aniya, hindi raw nakapagtatakang marami sa vloggers ang nakakapagpagawa ng bahay, nakakapagnegosyo, nakakapaglakbay, o nakakabili ng iba't ibang properties dahil malakas at malaki talaga ang kitaan sa vlogging, na nakadepende sa views at bilang ng subscribers.