Nilinaw ng all-female Pinoy pop group na 4th Impact na hindi totoo ang kumakalat na pubmat na kine-claim daw nilang sila ang "Blackpink" ng Pilipinas, at mas magaling pa sila pagdating sa sikat na sikat na BINI pagdating sa vocal range.
Mababasa sa mga kumakalat na fake news mula sa isang nagngangalang "Analyn Restricted," "Yes, we love BINI. They are like the TWICE of the Philippines, and we're the BLACKPINK of the Philippines because we're FOUR."
Sa isa pang art card, mababasa ang umano'y pagsasabi nilang mas magaling sila kaysa sa BINI.
"Puro kayo BINI. Don't sleep on our talents, please. Mas stable pa nga ang vocals namin kaysa sa kanila, and we know how to whistle."
Sa isang social media post ay nilinaw ng 4th Impact na hindi nila sinabi ang mga nabanggit na pahayag laban sa BINI.
Nagbanta rin sila ng legal action sa sinumang nagpapakalat nito.
"WE NEVER SAID THESE!!!!"
"Please stop spreading false accusations or else we will take legal actions about this," anila.
4th Impact - WE NEVER SAID THESE!!!! Found the original source -... | Facebook
Samantala, matatandaang kamakailan lamang ay nasabi ng magkakapatid na gusto nilang maka-collab ang BINI, na nakasama na rin nila dati.
MAKI-BALITA: 4th Impact bet makipag-collab sa BINI