May nilinaw si Vice President Sara Duterte tungkol sa pahayag niyang siya ay “designated survivor” sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo 22.
Matatandaang noong Hulyo 11, sinabi ni Duterte na hindi siya dadalo sa SONA ng pangulo at itinatalaga niya ang sarili niya bilang "designated survivor."
BASAHIN: VP Sara, hindi dadalo sa SONA ni PBBM
Sa kaniyang ambush interview nitong Miyerkules, Hulyo 17, sa Brigada Eskwela National Kickoff, sinabi niya na hindi biro at hindi bomb threat ang pagiging designated survivor niya.
“It is my first time to see a Vice President to be checked for attendance in everything," paunang sabi ni Duterte.
“It is not a joke. It is not a bomb threat. Many missed the point. For me, if you don’t understand the first time, I don’t think you deserve an explanation,” anang pangalawang pangulo.
Matatandaan ding umani ng iba't ibang reaksyon mula sa ilang mga politiko sa pagiging designated survivor niya.
Iginiit ni Manila 3rd district Rep. Joel Chua na hindi magandang biro ang naging pahayag ni Duterte.
Basahin: Pahayag ni VP Sara na siya'y designated survivor, 'di magandang biro -- Manila solon
Sinabi naman ni Camiguin lone district Rep. Jurdin Jesus Romualdo na hindi dapat gawing basehan ng bise presidnete ang Netflix para sa kaniyang mga aksyon
BASAHIN: VP Sara, 'di dapat pagbasehan Netflix ng kaniyang mga aksyon -- Camiguin solon
Tinawag ni Senador Risa Hontiveros na “napakairesponsable” ang naging pahayag ni VP Sara.
BASAHIN: 'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara
Kaugnay sa "designated survivor," ibinahagi ni dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang kaniyang panonood ng Netflix series na “Designated Survivor,” kung saan sinabi niyang mayroon umanong “bida-bida” doon.
BASAHIN: Kiko Pangilinan, nanood ng 'Designated Survivor': 'May bida-bida rito!'