November 23, 2024

Home BALITA Metro

Presyo ng manok, papalo ng ₱250 kada kilo

Presyo ng manok, papalo ng ₱250 kada kilo
Photo Courtesy: Juan Carlo de Vela via MB (FB)

Patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang Department of Agriculture sa poultry sector sa gitna ng pagtaas ng presyo ng manok sa merkado.

Sa inilabas na retail price ranges ng DA Bantay Presyo - National Capital Region noong Martes, Hulyo 16, umabot na sa ₱190.00 hanggang ₱250.00 ang presyo kada kilo ng manok.

Kung ikukumpara sa retail price ranges noong nakaraang buwan na ₱160.00 hanggang ₱220.00, tumaas ng ₱30.00 ang naturang produkto.

Kaya naman sa isa umanong ambush interview kay DA Undersecretary Deogracias Victor Savellano, sinabi nito na patuloy umano silang nakikipag-ugnayan sa apektadong sektor upang makapagbigay ng interbensyon.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

"Kami continuous ang dialogue namin at tinatanong namin ano mga gusto nilang programa para maitulong namin para maka-rebound sila para matulungan naman at ‘di sila madismaya,” saad niya.

Gayunman, sa palagay ni Savellano, hindi raw magtatagal at babalik din umano sa abot-kayang presyo ang mga manok.

"Siguro saglit lang, kaya nga kailangan naming bumaba, makita at pag-aralan namin kung ano iyong nagko-cause nito,” aniya.

Samantala, ayon naman kay United Broiler Raisers Association (UBRA) president Jose Gerardo Feliciano, hindi umano makatwiran ang kasalukuyang presyo ng manok kada kilo kung ikokonsidera ang ₱70.00 hanggang ₱75.00 na tubo mula sa farmgate price.

"Iyong iba kasi, they try to take advantage ng (of the) supply situation," sabi ni Feliciano.

Pero inaasahan naman niya na bababa ang presyo ng manok sa katapusan ng Agosto kasabay ng pagtaas ng produksyon nito.