November 22, 2024

Home BALITA Probinsya

Cavite City nasa state of calamity; dalawang barangay, tinupok ng apoy!

Cavite City nasa state of calamity; dalawang barangay, tinupok ng apoy!
Photo courtesy: Cavite City Mayor Denver Chua (FB)

Nasa ilalim ng "State of Calamity" ang Cavite City ayon sa alkalde ng bayan na si Mayor Denver Chua, dahil sa malawakang sunog sa Barangay 5 at Barangay 7.

Ibinahagi ni Mayor Chua sa kaniyang Facebook post ang lawak ng pinsala ng sunog sa mga kabahayan sa Badjao, Dalahican, Cavite City noon pang Linggo, Hulyo 14. Tinatayang aabot umano sa 900 pamilya ang naapektuhan ng sunog.

"Isang pagsubok ang ating muling kinahaharap. Isang sunog ang sumiklab sa Badjao, Dalahican, Cavite City ngayong hapon kung saan mahigit 900 families ang nawalan ng tirahan," anang mayor.

"Sa aking mga kababayan na naapektuhan ng sunog.. BABANGON TAYO! Para sa mga nais magpahatid ng tulong ang ating evacuation site ay sa Dalahican Elementary School at Sta. Cruz Elementary School."

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ibinahagi pa ng alkalde ang agarang council meeting para madaluhan ang pangangailangan ng mga residente at pamilyang naapektuhan ng malawakang sunog. Nagkaroon din sila ng donation drive para sa mga nagnanais magpaabot ng kanilang tulong.

Denver Chua - Full Council Meeting in relation to the Fire... | Facebook

Bukod sa lokal na pamahalaan, agad ding rumesponde ang magkapatid na kongresistang sina Cong. Jolo at Bryan Revilla para sa pagbibigay ng ayuda para sa mga biktima ng sunog.

Denver Chua - Bangon Badjao! Ang buong Team Unlad kasama si... | Facebook

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ng mayor ang aerial shot ng sunog upang ipakita ang inabot ng pinsala nito.

"Makikita sa larawan ang pinsala dulot ng sunog sa Badjao, Dalahican, Cavite City nitong July 14, 2024," aniya.

"Sa loob lamang ng ilang oras ang tirahan na pinaghirapan itayo ng mahigit 900 na pamilya sa Badjao, Dalahican, Cavite City ay biglang naglaho dahil sa sunog."

"Bagamat halos walang natira sa mga kabahayan sa lugar na ito ay naniniwala ako na sa ating pag tutulungan ay muli silang makakabangon! " saad pa ni Mayor Chua.

Denver Chua - Makikita sa larawan ang pinsala dulot ng sunog sa... | Facebook

Inanunsyo rin ni Chua na nasa ilalim na ng state of calamity ang buong Cavite City, ayon na rin sa kaniyang rekomendasyon at ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC).

Denver Chua - Sama-sama po tayong babangon #BangonBadjao! | Facebook