November 23, 2024

Home FEATURES Trending

Abogada sa 'di niya pagtugon sa random messages: 'Mataas talaga standard ko!'

Abogada sa 'di niya pagtugon sa random messages: 'Mataas talaga standard ko!'
Photo Courtesy: Atty. Kathrine Jessica Calano (FB), Freepik

Nag-trending ang post ni Atty. Kathrine Jessica Calano matapos niyang sagutin ang tanong sa isang anonymous question app tungkol sa hindi niya umano pagtugon sa random messages.

Sa kaniyang Facebook post kamakailan, sinabi ni Atty. Calano na hindi raw siya obligadong tugunin ang mga mensaheng natatanggap niya mula sa mga taong hindi naman niya kilala.

“Also, I am not the type to reply to random guys’ messages more so if the message is not worth a reply. It’s not being rude, it’s saving time and maintaining standard. You won’t get me to reply to hi, hello, ganda mo, sexy mo, musta, cute mo, nice, galing, coffee tayo, labas tayo, UNLESS matagal na kitang kilala,” saad ni Atty. Calano.

“If not, your message should at least be mentally stimulating for me to reply. I really really really get bored with guys who don’t ask questions which could aid them to know me better or who do not tell stories or answer questions which could aid me to know them better. I don’t get impressed by statements and messages I get often. Physical attraction is common but mental connection is rare,” aniya.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Dagdag pa niya, hindi raw talaga siya pala-reply lalo na sa mga lalaking madaldal lamang sa chat ngunit kimi o hindi naman marunong makipag-usap sa personal.

Dahil umano sa ganitong attitude, madalas tuloy siyang nasasabihan ng ibang tao na mataas ang standard.

“Well, it is because mataas talaga ang standards ko,” paliwanag niya. “I worked  and continuously working on myself for years - mentally, intellectually, physically, emotionally, and spiritually – to be able to stand in a position where I could ask for more and not get impressed with the bare minimum. So I take this comment more like a compliment than an insult.”

Bukod dito, nasasabihan din umano siyang mahirap i-approach. Pero ayon kay Atty. Calano: “I am not. Chances are that the person is just applying the wrong approach.”

Kaya naman, tinatakot din siya na hindi na makakapag-asawa pa. Ngunit tila balewala lang ito sa kaniya dahil hindi naman umano pag-aasawa ang ultimate goal sa buhay.

“Kaysa naman ibaba ko standards ko para lang madaliin ang pag-aasawa tapos iiyak-iyak ako inside marriage,” sabi pa niya.

Maraming netizens ang humanga sa mga sinabing ito ni Atty. Calano. Tila naisatitik niya ang mga nais sabihin ng kaniyang mga kapuwa babaeng nasa pareho ring sitwasyon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Louder! Very well said "

"Very well said atty. binasa ko tlga from the start to end "

"Very well said! It is better to be alone than trying to fit in!"

"This encourages other women to remain on their chosen standard. Thank you for standing up for us!"

"This is how our mindset should be in this generation. A woman who knows her worth, what she wants, and what she deserves. A high value person's mindset "

"That's good Very good."

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 46k reactions at 22k shares ang naturang post ni Atty. Calano.

KAUGNAY NA ARTIKULO: Post ng netizen tungkol sa pag-unsent 'pag di nareplayan agad sa chat, viral