November 23, 2024

Home FEATURES

Post ng netizen tungkol sa pag-unsent 'pag di nareplayan agad sa chat, viral

Post ng netizen tungkol sa pag-unsent 'pag di nareplayan agad sa chat, viral
Photo courtesy: Aoife Pelletier (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang viral Facebook post ng isang nagngangalang "Aoife Pelletier" patungkol sa mga taong nag-uunsent agad ng kanilang mga chat message kapag hindi kaagad nareplayan o nasagot.

Katwiran ng uploader, dapat daw maunawaan ng mga gumagawa nito na lahat ay abala sa kani-kanilang mga buhay, at lahat ay may kani-kanilang schedules.

Hindi niya kasi nagustuhan ang sinabi sa kaniya ng nag-send sa kaniya na "Sa iba na lang, baka-sakali mag-reply agad."

"please keep in mind that everyone has a life outside of social media. it’s important to understand that each person has different schedules, priorities, and responsibilities that may prevent them from responding immediately when you send them a message.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

'sa iba nalang, baka sakali mag-reply agad.'"

Kaya mensahe niya sa lahat, "let’s avoid making others feel bad for not being able to respond immediately. and please, don't act like people are obligated to give you a response as soon as you send them a message."

Paglilinaw ng uploader, hindi niya kilala ang nagpadala ng mensahe sa kaniya.

"ps. this person is a complete stranger to me. we’ve never talked or interacted prior to this conversation."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Never really understood this. Just leave a message and wait for them to respond. And not unsend cuz it took them longer then a second to reply. Have experienced it twice and it's just annoying. And as soon as im able to reply i always say to resend whatever it was but the reply is always 'it's ok na po wag nalang' or 'sorry nvm i forgot' like bro, just send the message and leave it there for the recipient to read. I swear some of y'all can't wait, we have 86 billion neurons. Sit down and wait for the person to check their phones cuz you know, they have a life."

"Pati yung imemention ka and hihingi ng favor pero wala naman yung favor. Malay ko ba kung anong levelof difficulty ng favor na yan. Normalize completing your requests in one bubble chat myghad."

"I mean, reciprocity naman sana. If you ask favor from me, ang bilis ko magreply/tumulong, pero if ako naman may kailangan, sana ganun rin ang ibigay, or at least magbigay ng reply na wait/busy/later etc. It’s a matter of trust and loyalty for me, lalo kung you know each other for a long time. Own opinion ko lang naman, may not be the same with others."

"Ina-unsent ko pag di pinansin ng 1 day, feeling ko iniignore ako. Im an open and understanding person i hope ppl can say 'sorry im busy' or 'wait lang' easy tapos na usapan di ako mangugulit, gusto ko lang pinapansin chat ko pero iba kase pag 1 day ka inignore hahahahahahaha."

"Lol. you can actually tell the intention of gaslighting when a favor isn't granted."

"Marami rin namang hindi ako nireplayan even though urgent 'yon pero hindi ko inunsent hahahaha. Kaka 'it is what it is' keme ko but hindi na ulit ako mag-aaproach. An unrespond message is still a response for me. Whatever their reason is, mapa valid man or sadyang hindi lang nila ako bet replayan/their main reason is I'm not important to them that's why intentionally inignore ako, hindi ko naman sila ginagawang villains or magcoconclude agad negatively. Sadyang hindi na ako uulit but I will genuinely treasure those people naman na despite everything, nagawan nila akong replayan. Tipong I'm not their obligation na sagutin ang message ko pero nireplayan nila ako wholeheartedly."

"Relate much here I'm a seller but syempre tao lang na may responsibilities din sa buhay / sa self like maglaba, maglinis ng surrondings, mag meditate or magworkout hello hindi naman kami 24/7 monday to sunday dapat online kami "

"Luh weird. Mangungutang 'yan for sure."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 41k shares at 699 comments ang nabanggit na viral post.