Malapit na naman ang pasukan sa mga paaralan, at ang isa sa mga bagay na inaabangan ng mga mag-aaral kapag opening of classes ay kung sino-sino ang mga magiging guro nila.
Paano kung ang mapatapat sa seksyon ay beteranong terror teacher na naging guro rin ng mga nanay, tatay, kapatid, tito, tita o ng ibang kaanak ng mag-aaral?
Relate-much ang mga netizen sa video ng social media personality na si "Sassa Gurl" matapos niyang itampok ang isang karaniwang "beteranong terror teacher" sa pagsisimula ng klase.
"Lagot kayo kay madam Kabagani, hindi nanananto ng grades yan at hinandle niya buong angkan niyo," mababasa sa caption ng content.
Naka-relate naman ang mga netizen kay "Madam Kabagani" at nanariwa sa kanilang alaala ang mga naging guro nila noong sila ay nag-aaral pa.
"grabe ganyan mag salita tc namin sa science dati sa grade six huhuhu kailangan pag sumasagot ka maayos mahinahon tas kalmado pag mali grammar mo di ka papaupuin pag wala kang excuse letter pag absent ka di ka pwedeng mag test tas pag walang assignment ka mapapalabas ka talaga huhuhu."
"May English teacher ako Ang galing nya talaga. Mahusay sya madami ako natutunan sa kanya pero nakaka lungkot Kasi now kasma na sya sa group ng tinatawag na loandon, loan dto, loan doon."
"Legit kapag ganyan ang prof kakabahan ka pero mag-aaral kang mabuti para hindi ka maboljak."
"Adviser namin sa Grade 5 she's not matanda pa but mdyo strict pag wlang homework hindi makalabas para sa recess, pag hindi pa makatapos ng pinapagawa nya hindi pa makakauwi . Pero ang galing nya mag handle Ng pupils kasi pag may program lahat kami kasali kahit di kami magaling sumayaw , no pupils are left out kaya na build ang self confidence ko."
"May naging guro ako na last year na din ng pagtuturo nya. Terror din sya. Legit doon sa binitawan na word na swerte nyo kung makikinig kayo sa akin. Hahaha since parang yan na yung pinaka last dance nila ibibigay nila yung best nila sa pag tuturo at matututo ka talaga."
"Nung days namin ganto ang guro. Oo nakaka takot pero mapupursige ka talaga kasi sa sobrang tapang pero in the end ma appreciate mo at ma aalala mo na tama lang pala. .. salute sa mga sina unang guro pati sa mga bagong guro ng henerasyon ngaun.."
"Sana no, ganyan pa rin ang mga teachers up until now. Hindi ko namn sa minamahina mga teachers ngayon pero pag naging ganyan sila, sila pa lalabas na masama. nila di nila magawa halos anng tama kasi magalit lang ng konti nasa social media ka na."
Habang isinusulat ang artikulong ay umabot na sa 1.6M views ang nabanggit na video.