Inanunsyo ng Supreme Court (SC) nitong Martes, Hulyo 16, na 21.45% o 183 sa 853 examinees ang pumasa sa 2024 Shari’ah Bar examinations.
Ayon sa SC, kinilala si PUNGINAGINA, Nurhaifah Hadji Said bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 86.75% score.
Sinundan naman siya ng Top 2 na si GUBAT, Sittie Nasriyyah Gani na may 86.10% score, at Top 3 na si ALONTO, Sittie Fairoza Yahya na nakakuha naman ng 86.02% score.
Kasama rin sa Top 10 sina SUWALAWAN-HADJINOOR, Jonaina Diamla (85.57%), MAMBUAY, Ayesha Aminah Alonto (85.35%), USODAN, Fatimah Sohra Lucman (85.10%), ACMAD, Aznairah Orpilla (84.87%), BARAPANGCAT, Abdulwasi Aleem (84.40%), ABDULMALIK, Saaduddin Sharief (84.30%), AL-NAMIT, Maria Belen Arceno (83.75%), at SAID, Normalah Pangcoga (83.75%).
Isinagawa ang dalawang araw na Bar exams noong Abril 28 at Mayo 2, 2024.
Nakatakda namang ganapin ang oath taking at signing of the Roll of Attorneys sa Manila Hotel sa darating na August 14, 2024.
Pagbati, Bar passers!