November 22, 2024

Home BALITA National

Rep. Castro, Ex-Rep. Ocampo at iba pa, hinatulang guilty ng 'child abuse'

Rep. Castro, Ex-Rep. Ocampo at iba pa, hinatulang guilty ng 'child abuse'
Rep. France Castro (Photo courtesy: Act Teachers Party-List/FB)

Hinatulang “guilty” ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2 sina ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro, dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo at iba pa ng paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanila noong 2018.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinintensyahan umano sina Castro, Ocampo, maging ang iba pang human rights defenders na sina MA. EUGENIA VICTORIA NOLASCO, JESUS MADAMO, MERIRO POQUITA, MARICEL ANDAGKIT, MARCIAL RENDON, MARIANIE AGA, JENEVIVE PARABA, NERHAYA TALLEDO, MA. CONCEPCION IBARRA, NERFA AWING at WINGWING DAUNSAY, ng apat hanggang anim na taong pagkakakulong nitong Lunes, Hulyo 15.

Ang naturang desisyon ay kaugnay umano ng “kidnapping” ng 14 kabataan sa Talaingod, Davao del Norte noong 2018.

"That on or about November 28, 2018 at around 9:00 o'clock in the evening, in the Municipality of Talaingod, Province of Davao del Norte, Philippines, and within the jurisdiction of this Honorable Court, the above-named accused, conspiring, confederating and mutually helping one another taking advantage of the credulity of the fourteen (14) minor students of Salugpungan Ta Tanu Ingkanogan Community Learning Center, Inc., namely: AAA, ' 17 years old, BBB, 16 years old, abuse and exploitation, the law has stiffer penalties for their commission, and a means by which child traffickers could easily be prosecuted and penalized,” nakasaad sa desisyon ng korte.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“The definition of child abuse is expanded to encompass not only those specific acts of child abuse under existing laws but includes also ‘other acts of neglect, abuse, cruelty or exploitation and other conditions prejudicial to the child's development’,” dagdag pa.

Matatandaan namang iginiit kamakailan ng mga akusado na nangyari ang naturang insidente sa gitna ng mga pag-atake sa Lumad schools sa ilalim ng administrasyong Duterte, kung saan nagbigay lamang umano sila ng tulong sa naturang mga kabataang Lumad na nakaranas daw ng “pangha-harass” at “red tagging.”

Ito ay isang developing story.