November 15, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Post tungkol sa nabiling grocery items sa halagang ₱4k, usap-usapan

Post tungkol sa nabiling grocery items sa halagang ₱4k, usap-usapan
Photo courtesy: BikolanangSamaritan tv (FB)

Viral ang Facebook post ng isang content creator na si "BikolanangSamaritan tv" matapos niyang ibahagi ang nabiling grocery items ng kaniyang pinsan sa halagang ₱4,000, nang padalhan niya ito ng budget sa Pilipinas.

Batay sa post ng netizen, mukhang naninirahan siya ngayon sa ibang bansa dahil nga nagpadala siya ng pera sa kaniyang pinsan na nasa Pilipinas at inutusan itong bumili ng snacks at pagkaing tatagal ng dalawa hanggang tatlong araw para sa mga bata.

Subalit ikinagulat daw ng digital creator ang kakaunting grocery items na nabili ng kaniyang pinsan sa nabanggit na halaga, na dati raw ay marami na.

Gustong bigyang-diin ng uploader na tumaas na talaga ang presyo ng mga bilihin sa Pilipinas. Dati raw kasi ay punumpuno na ang grocery cart sa ganoong halaga.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Giit pa niya, tumataas nga ang suweldo subalit doble naman ang pagtaas ng mga bilihin lalo na sa pagkain.

"Pinag grocery ko pinsan ko dyan sa pinas binigyan ko ng 4k para sa kahit mga 2-3 days na pang kunsumo nila sabi ko bumili ng ulam at mga snacks ng mga bata."

"hindi nila nabili yung iba pang mga sinabi ko na snacks dahil ito palang ay umabot na ng 4k"

"Dati noon 4k 5k marami na nabibili halos puno na cart."

"Grabe na talaga ang mga bilihin ngayon sa pinas sobrang mahal na.inisip ko paano na lang yung maraming anak at nangungupahan pa na minimum lang ang sinasahod kung Sino man ang breadwinner sa isang pamilya.tumataas nga ang pasahod Pero x2 naman itataas rin ng mga bilihin lalo pag kain at kung Ano Ano pang gastosin."

"kaya dapat talaga mang tanim ng makakain isa to sa makakatulong para mabawasan ang budget sa pang araw2 lalo na sa pagkain," aniya.

Sa comment section, ibinahagi pa ng uploader ang larawan ng resibo mula sa pinamili ng kaniyang pinsan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"If you remove the junk food you're buying such as Nutella which cost more than 500, the soft drinks that's about 200 and that hotdog which is more than 200, makakatipid ka ng 1K. Pano naman kasi di essentials pinamili tapos magrereklamo sa nabayarang 4K. Ang 4K mo is only about 68 US dollars. Try mo mag grocery sa Costo in the US or any grocery store in Europe and see kung ano ba mabibili sa halagang 68 US dollars."

"4k kung wais ka mamili hindi lang yan ang mabibili mo.. Susko."

"ang punto ng nag post tumaas daw yung presyo ng bilihin, wag nyo na pansinin kung ano yung binili, baka kasi dati sa 4k nila, limang nuttela na at benteng bote ng softdrinks yung nabibili nila may sobra pa ngayon ganyan na lng satin mga nasa laylayan malaki na yung 4k maba-budget na natin yan marami na tayong mabibili dyan, kaso ano ba paki-alam natin pera nila yan"

"Wow yung 4k po madami kana po mabili nyan. Maging wais lng po sa pagpili like yung may free na isa o dalawa. Dun po mag grocery sa murang store kung gusto nyo mkatipid."

"Ang sinasabi po noon daw,,khit pa nakatagoa ung ilan items kakaunti prin ang 4k na mapapili compare noon.. kya totoong napaka mahal na ng bilihon ngaun."

Dahil sa ilang mga negatibong komento tungkol sa kaniyang post ay muling nagbigay-linaw ang uploader sa comment section.

Ang gusto raw niyang ipunto, tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Pilipinas.

"Need or Wants."

"Ang sinasabi ko tumaas ang mga bilihin Tumaas ang price ng mga bilihin mapa needs man yan o wants ang mahiwagang nutella man yan o ang pinag lalaban nyong bilihin sa palengke.my point is palengke o mall man yan tumaas ang bilihin.mapa Nutella o margarine sardinas o karne ang point ay kaht ano jan ay tumaas ang mga bilihin"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 5.9k reactions, 4.6k shares, at 4.7k comments ang nabanggit na viral FB post.

Ikaw, anong reaksiyon o komento mo tungkol dito?