November 23, 2024

Home BALITA National

Pag-turnover ni VP Sara kay Sen. Angara sa DepEd, gaganapin sa Hulyo 18

Pag-turnover ni VP Sara kay Sen. Angara sa DepEd, gaganapin sa Hulyo 18
VP Sara Duterte; Sen. Sonny Angara (Facebook)

Nakatakdang opisyal na i-turnover ni Vice President Sara Duterte ang posisyon ng pagiging kalihim ng Department of Education (DepEd) kay Senador Sonny Angara sa darating na Huwebes, Hulyo 18, 2024.

Sinabi ito ni Angara sa isang panayam ng DZBB nitong Linggo, Hulyo 14.

“Ang turnover namin sa July 18 ng umaga. ‘Yan ang paalam sa amin ng Office ni Vice President and outgoing Education Secretary, Ma'am Sara Duterte,” ani Angara.

“Yung pag-assume siguro sa next, sa sunod na araw. At kailangan natin mag-oath din,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, sinabi naman ni Angara na kung magkakaroon ng pagkakataon sa turnover ceremony ay hihingi raw siya ng payo kay Duterte hinggil sa naging pamumuno nito sa DepEd.

“I assume there will be some sort of meeting (sa turnover ceremony). Merong meeting tapos may kaunting pag-uusap. At kung may tsansa, hihingi rin ako kung ano ang advice ng ating Vice President dito sa kaniyang karanasan sa nakaraang dalawang taon niya bilang pinuno o kalihim ng kagawaran ng education,” saad ni Angara.

Matatandaang noong Hunyo 19, 2024 nang ianunsyo ni Duterte ang kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd. 

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Noon namang Hulyo 2, 2024 nang ihayag ng pamahalaan ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Angara sa pwesto.

MAKI-BALITA: Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa mga naging kasamahan sa DepEd: 'Mami-miss ko kayo'