November 22, 2024

Home FEATURES

Domestic violence survivor, sa kamay ng pastor unang naabuso

Domestic violence survivor, sa kamay ng pastor unang naabuso
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT), Freepik

(Trigger Warning: Ang artikulong ito ay naglalaman ng sensitibong paksa tulad ng karahasan at abuso.)

Ibinahagi ng domestic violence survivor at overseas Filipino worker na si Citadel Jones ang unang pang-aabusong ginawa sa kaniya.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Hulyo 14, binalikan ni Citadel ang alaala ng kabataan niya noong siya ay nagsisilbi pang youth leader sa church nila.

“Nag-mission trip kami. In-invite ako sa town nila mag-speaker. Kasi youth leader ako, e. Kasama ‘yong mother ko and the women ministry. Sa ano ‘yon, e, sa Kalibo, Aklan. Malapit sa Boracay,” kuwento ni Citadel.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Niyaya lang akong mag-Boracay. Papasyal daw. E, may motor siya. Tapos kasi noon bangka lang. I’m from Mindoro. Town lang. Magbo-boat lang kami, sabi niya. ‘Ay, gusto ko nang umuwi.’” wika niya.

Dagdag pa niya: So, niyaya lang niya ako. [...] Akala ko makakauwi na ako. Noong uuwi na kami ng Mindoro, wala naman palang bangka. Kumuha ng kwarto. Wala namang hotel-hotel do’n. ‘Yon na. [In-abuse na ‘ko].”

Sa puntong ito ng panayam, hindi na napigilan pa ni Citadel na maging emosyunal lalo na nang tanungin siya ni Toni kung anong ginawa niya nang abusuhin siya.

“Hindi ka naman makasigaw, e. Wala pa akong cellphone no’n,” aniya.

Pero ang pinakamasakit sa bahaging ito ng kuwento ni Citadel ay walang ginawa ang ina niya matapos niyang isumbong ang nangyari. 

At nang malaman ng kaniyang ama ang tungkol dito, ipinakasal siya sa umabuso sa kaniya sa halip na idemanda ito.

“Dahil hindi ka na virgin, syempre ‘yong purity mo was taken away from you, pakasalan. Ipatawag ang magulang. Ayaw kong magpakasal, Miss Toni. Nawalan ka na nga ipapakasal ka pa sa taong hindi mo mahal,” saad niya.

Dagdag pa ni Citadel: “Sabi ko, ayaw kong magpakasal. Pinakasal ako. Nabuntis ako, Miss Toni. I kept my mouth shut for the longest time. Ikinahihiya kong buntis ako. Hindi ako lumabas for the whole nine months.”

Sa huli, hindi nakatiis si Citadel. Iniwan niya ang buhay may-asawa. Nagpaalam siya sa kanilang pastor. Bagama’t pinigilan siya at binantaan, buo na ang kaniyang desisyon. 

Kaya kahit na-charge siya ng abandonment of marriage, umalis pa riya. Iniwan niya ang kaniyang anak sa magulang niya para magpakalayo-layo hanggang sa makarating sa ibang bansa.

Si iba pang isyu, si Citadel ay biktima rin ng domestic violence ng asawa niyang Afam sa Amerika na nakilala rin niya umano sa church. 

Ibinahagi niya ang kaniyang kuwento upang magsilbing inspirasyon sa mga kapuwa Pilipinang nakakaranas din ng abuso.